Tips para sa mga magulang ng first-timers ng in-person classes

Posted in News
August 21, 2022

Bukas ay ang pagsisimula ng klase sa ating bansa. Para sa maraming learners, ito ang araw kung kailan muli silang makakabalik sa paaralan at muling makikita ang kanilang mga kaibigan at mga kaklase.

Ngunit, para sa ibang mga Grade 1 hanggang Grade 3 learners, ito ang kauna-unahang pagkakataon na sila ay lalahok sa in-person classes. Bukod sa pangamba sa kanilang kalusugan dulot ng COVID-19, ito rin ay maaaring magdulot ng kaba at pagkabahala sa mga learners dahil ito ang unang beses na mawawalay sila sa kanilang pamilya.

Bago pa man ang pagsasagawa ng 5 araw na in-person classes sa Nobyembre, narito ang mga tips para sa magulang ng mga learners na sasabak sa first day of in-person classes bukas upang maibsan ang first day jitters at masiguro na magiging magandang experience ito para sa mga learners.

Re-introduce o magtanung ng routine

Dahil sa distance learning, naging mas flexible ang routines ng mga learners.

Ibang-iba ang routine ng remote learning at in-person learning kung saan hindi na kailangan gumising nang maaga ng mga learners upang mag-prepare sa pagpasok sa eskwela.

Maaaring ma-shock ang mga learner sa pagbabago ng kanilang routine katulad ng sleeping schedules at oras sa paggawa ng mga assignments.

Kung kaya’t mainam sa mga magulang na simulan na ang routine management bago pa man magsimula ang first day of school. Makakatulong ang pagkokondisyon na ito upang hindi ma-overwhelm ang mga bata.

Ipaliwanag at ipaunawa ang kahalagahan ng health standards

Mahalaga na sa bahay pa lamang ay alam na ng mga learners ang kalahagahan ng standard health requirements na ipinatutupad sa mga paaralan.

Mabuti na bigyan na ng ideya ng mga magulang ang kanilang mga anak kung ano ang facemask at paano ito isuot nang tama at kung kailan dapat palitan ang mga ito.

Dapat rin ay alam ng mga learners kung ano ang social distancing pati na rin ang tamang paghuhugas ng kamay para tunay na maging handa ang mga learners sa in-person classes.

Maging mapagpasensya at maunawain

Sa halos dalawang taon ng distance learning, maaaring nasanay na ang mga learners na nasa tahanan lamang. Hindi imposible na magkaroon ng separation anxiety ang mga bata.

Ang separation anxiety ay nagdudulot ng sobrang pag-iisip o pagiging malungkot ng mga bata kapag malayo o hindi nila nakikita ang kanilang mga mahal sa buhay. Maaaring magdulot ito ng distress o pagkabalisa.

Maaaring mag-tantrums ang mga bata lalo na sa unang araw ng pasukan. Makakatulong na ang mga magulang ay manatiling malumanay at kalmado sa mga pagkakataong ito.

Subukang maging maunawain at ipaliwanag mabuti ang mangyayari sa araw na ito. Iwasan ang magalit at magtaas ng boses.

Bigyan sila ng ideya sa mga mangyayari sa loob ng paaralan

Dahil ito ang unang beses na sila ay papasok sa eskwelahan, magandang handa ang mga learners sa mangyayari.

Ipaalam ang oras ng uwian at sabihin kung sila ay susunduin o ano pa mang tagubilin upang may ideya ang mga learners at hindi sila maguluhan.

Maaari ring ipaalam sa kanila ang kanilang teacher at classroom bago pa man magsimula ang klase.

Dapat rin ay may kaalaman ang mga bata sa COVID-19 upang alam nila ang kanilang dapat at hindi dapat gawin.

Ikaw ba ay may katanungan kaugnay sa enrollment at pagbabalik-eskwela ngayong SY 2022-2023?

Makipag-ugnayan na sa ating DepEd Public Assistance Command Center gamit ang mga sumusunod na channels:

đź“ž Telephone (Area Code: 02)
8636-1663, 8633-1942
8638-7529, 8638-7530
8638-7531, 8635-9817
8634-0222, 8638-8641

📱Call/Text
0919-456-0027 (Smart)
0995-921-8461 (Globe)
✉️ Email: [email protected]

Share this article

Leave a Reply

Your email address will not be published.