Public High School sa Pangasinan, Nagkamit ng pandaigdigang parangal sa mangrove tree planting project

Posted in News
October 20, 2022

Nanalo ang Bonuan Buquig National High School (BBNHS) sa Dagupan City, Pangasinan ng $50,000 bilang premyo sa World’s Best School sa Environmental Action category ng T4 Education.

Mula sa 10 shortlisted schools sa buong mundo, nakuha ng BBNHS ang unang gantimpala sa pamamagitan ng kanilang Ilog Ko, Aroen Ko (Ilog ko, Pangangalaga Ko): mangrove tree planting project na nakatulong sa pag-rehabilitate ng Longos River matapos itong masalanta ni Typhoon Pepeng noong 2009.

Inilunsad noong 2010, pinapanatili ang IKAK project ng mga nagdaang punongguro ng BBNHS. Sa kasalukuyan, isinasagawa ang mangrove tree planting activity ng dalawang beses kada taon, kung saan itinatanim ang mga fruit bearing at shady trees at nakapaglunsad na rin ng pananaliksik pangkalikasan. Ayon sa DENR, nakapagtanim na ang paaralan ng 50,000 mangrove trees sa Longos River na nagbigay ng kabuhayan sa komunidad.

To our dear BBNHS Team Bakawan Philippines, we have gone this far only driven and powered mostly by passion and the community. We promise to continue this endeavor of environmental action until our last breath,” saad ni BBNHS School Head Dr. Renato Santillan sa naganap na awarding ceremony.

Upang mapanatili at mapalawak ang programa, pinaplano ng paaralan na ilaan ang napanalunang halaga sa pagtatayo ng sariling nursery para sa mga punla ng mga mangrove at iba pang mga puno para sa buong lungsod ng Dagupan.

Aside from the benefits that mangrove tree planting provides to our locals, our advocacy maintains the balance of our ecosystem which is the extensive and connective ecosystem that will safeguard us from the impacts of climate change. We hope that this humble endeavor reaches more people to act now to be one of us in saving mother nature through sustainable solutions,” dagdag ni Dr. Santillan.

Nahigitan ng BBNHS ang International School of Zug at Luzern ng Switzerland at ang Green School of Bali sa Indonesia bilang top finalists sa Environmental Action category.

Sa naganap na screening process, ipinamalas ng bawat paaralan ang kani-kanilang mga proyekto at pinatunayan ang epekto nito sa pagpapanatili ng kalidad ng edukasyon at ng komunidad.

Napabilang rin sa shortlist ng Top 10 World’s Best Schools sa ilalim ng Community Collaboration and Supporting Healthy Lives category, ang G.L. David Memorial Integrated School sa Balanga, Bataan at Malitbog National High School sa Calinog, Iloilo.

Ang T4 Education ay isang pandaigdigang organisasyon na nakatuon sa pagbibigay ng engaging tools, mga inisyatiba, at mga event para sa mga edukador at mga paaralan na nakatutulong sa pagpapabuti ng kalidad ng edukasyon.

Share this article

Leave a Reply

Your email address will not be published.