DedEp, YSEALI, pinalakas ang climate change education sa tulong ng online teacher training

Posted in News
August 3, 2022

Patuloy na pinalalakas ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd), sa pakikipagtulungan sa Young Southeast Asian Leaders Initiative (YSEALI) exchange alumni ang climate change education sa pamamagitan ng pagsasagawa ng Climate Changemakers.

Kinilala ng National Educators Academy of the Philippines (NEAP) ang Climate Changemakers bilang unang climate change training course na bahagi ng Professional Development Priorities ng Kagawaran. Nilalayon ng programa na iangat ang kapasidad ng mga guro sa epektibong pagtuturo ng climate change competencies, isama ang climate change sa competencies, at maging committed sa climate change.

Time is of the essence. Climate change is an emergency. The time to act is now,” pagbibigay-diin ni DepED-DRRMS Director Ronilda Co.

Tinatayang nasa 400 guro ang nakatapos sa sampung linggong online course na gumamit ng synchronous at asynchronous na modalidad na nakatuon sa pagwawasto ng mga maling kuru-kuro tungkol sa climate change. Binigyan din nito ang mga guro ng espasyo para balikan ang kanilang natutunan at maibahagi ang mga naging hamon at good practices.

Tampok sa kurso ang mga lecture mula sa exchange alumni ng YSEALI program ng U.S. Department of State, mga kinatawan, at mga dati at kasalukuyang miyembro ng National Panel of Technical Experts ng Climate Change Commission, mga teknikal na espesyalista at guro mula sa Kagawaran ng Edukasyon, at climate change-focused organizations tulad ng Oscar M. Lopez (OML) Center at Youth Strike for Climate Philippines.

Bagdag pa rito, isinagawa ang unang batch ng training mula Nobyembre 2021 hanggang Marso 2022 kung saan ang mga nakakumpleto ay sinanay na maging mentor katuwang ang mga Division ng Apayao, Sorsogon, Iloilo City, Eastern Samar, at Surigao Del Sur mula sa Cordillera Administrative Region, Rehiyon V, VII, VIII, at CARAGA.

Binuksan naman ang ikalawang batch sa lahat ng mga guro ng K to 12 mula sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa buong bansa kung saan daan-daan ang nag-aplay at nakatapos ng kanilang synchronous at asynchronous na mga aktibidad.

Following the ongoing K-12 curriculum review and revision, we will also further enhance the Climate Changemakers online training course before its next release in 2023 and we hope to continue training our teachers to effectively teach climate education and ultimately answer the call to commit to climate action in the Philippines,” dagdag ni Dir. Co.

Sinusuportahan din ng U.S. Embassy sa Pilipinas, Save the Children Philippines, YGoal Philippines, Climate Reality Project Philippines, at Climate Action for Sustainability Initiative ang Climate Changemakers.

Idinaos ang isang Online Completion Ceremony para sa 400 completers nitong nakaraang Hulyo 29, 2022.

Para sa karagdagang impormasyon ukol sa Climate Changemakers, mag-email sa climatechangemakersPH@gmail.com at drrmo+ccam@deped.gov.ph.

Share this article

Leave a Reply

Your email address will not be published.