Batay sa huling datos mula sa Learner Information System (LIS) para sa SY 2022-2023 nitong Agosto 19, 2022, 7:00 AM, umabot na sa kabuuang 27,158,578 ang kabuuang bilang ng mga nagparehistro na mga mag-aaral para sa darating na taong panuruan.
Pinakamarami na ang nakapagpatala sa Region IV-A na umabot sa 3,709,599 na sinusundan ng Region III (2,810,330), at NCR (2,406,014).
Mula sa nabanggit na kabuuang bilang, 23,029,151 ang mga mag-aaral na nagpatala para sa formal education habang 4,129,427 ang bilang ng mga mag-aaral na mula sa early registration.
Magpapatuloy ang enrollment hanggang sa Lunes, Agosto 22, 2022. Tandaan na mayroon tayong tatlong pamamaraan sa pagpapatala: in-person, remote, at dropbox enrollment.
Dagdag pa rito, ang ating mga Alternative Learning System (ALS) learners ay maaari pa ring magpatala nang in-person o digital.
Tandaan na sa pagpunta sa mga paaralan, ating panatilihin ang proteksyon ng bawat isa. Huwag kalimutang sundin ang ating mga health and safety protocols.
Ikaw ba ay may katanungan kaugnay sa enrollment at pagbabalik-eskwela ngayong SY 2022-2023?
Makipag-ugnayan na sa ating DepEd Public Assistance Command Center gamit ang mga sumusunod na channels:
đź“ž Telephone (Area Code: 02)
8636-1663, 8633-1942
8638-7529, 8638-7530
8638-7531, 8635-9817
8634-0222, 8638-8641
📱Call/Text
0919-456-0027 (Smart)
0995-921-8461 (Globe)
✉️ Email: [email protected]
Sama-sama sa ligtas na balik-aral! Magparehistro na sa inyong paaralan!