Dalawang guro mula sa Cavite State University (CvSU) ang tumanggap ng 2022 Fulbright-Commission on Higher Education (CHEd) Doctor of Philosophy (Ph.D.) scholarship kamakailan. Sila ay sina Mariel Benigno at Arvie Grace Masibag.
Si Benigno ay isang instruktor sa Department of Fisheries and Aquatic Sciences, CvSU Naic Campus sa Naic, Cavite.
Ipagpapatuloy niya ang Ph.D. sa Nutrition and Food Sciences sa Louisiana State University sa Baton Rouge, Louisiana, USA.
Nakamit niya ang Bachelor of Science in Fisheries mula sa Central Luzon State University sa Muñoz, Nueva Ecija at Master of Science in Fisheries mula sa Pukyong National University sa Busan, South Korea.
Samantala, si Masibag ay isang instruktor ng Department of Biological Science, College of Arts and Sciences sa CvSU Main Campus sa Indang, Cavite.
Siya ay kukuha ng Ph.D. sa Pharmaceutical Science sa University of Rhode Island sa Kingston, Rhode Island, USA.
Nakapagtapos siya ng Bachelor of Science at Master of Science in Biology sa University of the Philippines Los Baños, Laguna at De La Salle University-Dasmariñas sa Dasmariñas City, Cavite, ayon sa pagkakasunod.
Ang layunin ng Fulbright-CHEd grant ay upang bigyang-daan ang mga kwalipikadong guro at kawani ng “CHEd-recognized institutions” na ituloy ang kanilang doctoral studies sa US upang i-upgrade ang sistema ng mas mataas na edukasyon ng bansa, mapabilis ang Higher Education Reform Agenda ng bansa, at magkaroon ng mga lider na maaaring mag-ambag sa pagtataguyod ng mas mahusay na pagkakaunawaan sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.
Ang mga matagumpay na kandidato kinakailangang magsagawa ng return service obligation sa kanilang mga HEI sa anyo ng pagtuturo ao pananaliksik pagkatapos makumpleto ang grant.