Inilabas ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) ang mga gabay sa School Calendar and Activities para sa Taong Panuruan 2022-2023 alinsunod sa commitment nito sa pagpapatuloy ng 5 araw ng in-person classes.
Nilagdaan ni Bise Presidente at Kalihim Sara Z. Duterte nitong Lunes, itinatakda ng DepEd Order No. 034, series of 2022 ang pagsisimula ng klase sa Agosto 22 at magtatapos sa Hulyo 7, 2023. Magkakaroon ng 203 araw ng pasukan o maaaring matukoy ng karagdagang issuances kung sakaling may mga pagbabago sa kalendaryo ng paaralan dahil sa mga hindi inaasahang pangyayari.
Sa issuance, ibinibigay rin ng DepEd ang direksyon at gabay sa muling pagbubukas ng klase at ang unti-unting pagpapakilala ng 5 araw ng in-person learning modality classes.
Ayon sa DO 034, s. 2022, hindi kakailanganin ang mga inspeksyon, kasangkapan, o anumang karagdagang requirement upang muling buksan ang mga paaralan at sa pagpapatupad ng kinakailangan na limang (5) araw na in-person classes, maliban sa pagsunod sa mga karaniwang pre-pandemic regulatory permit at lisensya na kinakailangan sa pamamagitan ng batas o ordinansa.
Itinakda ng DepEd ang mga pagpipilian lamang na 5 na araw na person in-person classes, blended learning modality, at full distance learning hanggang Oktubre 31, 2022.
Simula Nobyembre 2, 2022, lahat ng pampubliko at pribadong eskuwelahan ay dapat sumusunod na sa 5 araw na in-person classes. Walang paaralan ang papayagang magpatupad ng purong distance learning o blended learning maliban sa mga nagpapatupad ng Alternative Delivery Modes na nakatakda sa DO 21, s. 2019 (Policy Guidelines on the K to 12 Basic Education Program) at DO 01, s. 2022 (Revised Policy Guidelines on Homeschooling Program).
Samantala, ang learning intervention para sa Alternative Learning System (ALS) ay opisyal na magsisimula sa nasabing petsa ng pagbubukas, habang ang itatagal ng programa ay nakadepende sa educational background ng estudyante o sa umiiral na antas ng kaalaman bago mag-enroll sa ALS program.
Kaugnay ng pagbubukas ng paaralan, iaaplay ang mga implementing guidelines sa School Calendar and Activities para sa SY 2022-2023 sa mga pampubliko at pribadong paaralang elementarya at sekondarya, kabilang ang Community Learning Centers (CLCs) sa buong bansa. Maaaring ipatupad ng mga pribadong paaralan, state/local na unibersidad, at kolehiyo ang kalendaryo. Maaari rin silang magsimula ng mga klase nang hindi mas maaga kaysa sa unang Lunes ng Hunyo at hindi lalampas sa huling araw ng Agosto.
Ang enrollment ay gaganapin mula Hulyo 25 hanggang Agosto 22, at ang Brigada Eskwela at Oplan Balik Eskwela ay isasagawa mula Agosto 1 hanggang 26 at sa Agosto 15, ayon sa pagkakabanggit.
Bukod pa rito, ang Basic Education Development Plan (BEDP) 2030, Learning Recovery and Continuity Plan (LRCP), at Classroom-based and System Assessments ay gagabay sa mga paaralan sa epektibong paghahatid ng K to 12 Basic Education Program sa gitna ng pandemya ng COVID-19.